Kung magtatanong ako ngayon. Makikita nyo ba to??
Photo reblogged from free spirit with 3,274 notes
Should I try this?
i’m scared.
dont
ouch i just fell and passed out for like 5 seconds
well i think 5 seconds
oh my god. hha. has anyone ever passed anyone out? it’s so scary. someone did it to megan once, she started convulsing and it was TERRIFYING
i just had a siesurze or blacked out . I’m not joking or anything. I don’t remember what just happened. That was fucking scary.
no i must go try this.
i felt like i was being possessed and something was grabbing my head, so scary
oh my even better. if i die, i am blaming you mike
what. nothing. am i a freak.
Ahh, I wanna try but I’m kinda scared :O
I just slammed my face into the floor and blacked out for a second. What the fuck. I’m doing it again because I don’t even understand.
I’m too scared to try :\
ekjhjahf; Hell no. I’m getting anxious just reading the reblogs on this :|
my classmate told me that her brother tried it and then her brother said that he saw devils and stuff
This shit is the shit.
i just passed out and woke up on my floor and now my arm hurts and i dont know what happened. fuck.
OMG I am so curious as to what’ll happen but I need to study so I’ll do it tomorrow AHAHA
i just tried it. i got this really fast headache for like 3 seconds and i feel like i lack oxygen. hahaha
Source: skinnyyl0vee
Katoto at Hanan. Kilala mo ba sila? Sikat daw sila e. Parang duo. Tandem. Parang MoiMoi Palaboi. Hansel and Gretel. PorkChop. Noynoy at Mar. Parang ganun. Kun kilala mo, pakisabi namang kailangan ko silang makausap, may gusto lan ko i-confirm. May mga bagay lan akong gustong itanong. Binubulabog kasi ng rasyonal na bahagi ng utak ko yun emosyonal nyang bahagi. Nagaaway sila. Nagsisigawan. Nagbabatuhan ng (uhm, anu bang nasa utak ang pwedeng ma-detach?). Tapos ayaw na nila gumawa ng assignment ko sa Accounting. Pano naman ako? Gusto ko grumaduate.. Pero di ko naman alam kanino ko sila ilalapit. May nakapagsabing boses sa akin na hanapin ko raw sila Katoto at Hanan. Sabi ko dun sa boses na parang narinig ko na yun dalawang pangalan na yun. Pamilyar. Di ko lan alam kun san ko nakita o narinig o naramdaman. Baka ikaw alam mo? Sabi rin kasi nun boses na kumausap sakin, marami raw naghahanap sa kanila. Pati ata yun mamang tindero ng balut. Saka yun jeepney driver. Saka yun nurse na mag-aabroad na. Saka yun isa kong ka-scholar. Saka si Mamang Pulis na malaki ang tyan na laging may merienda pag nagtraffic enforcer. At saka yun iba mong kakilala. Sabi pa ni Boses, baka nga raw pati IKAW. Tama ba sya? Hindi ka tao kun kahit minsan sa buhay mo, kahit isang beses lan, e hindi mo man lan naitanong sa sarili mo ang tanong na, Ano ba ang TOTOO? Katotohanan. Napakaraming kwento na ata ang nailathala sa mga pahayagan, naipasa through text at GM, naiblog sa Internet, nalimbag sa mga aklat, naisulat sa pader ng West Wing at CR ng girls, o siguro kahit naikwento lang sayo, ang tungkol sa daan o byahe tungo sa katotohanan. Parang lahat ata hinahanap to. Kahit ako. Araw-araw nag-aabang ako ng sign baka malapit na sila sakin. O kaya naman may context clues na silang binibigay para malaman ko na ang whereabouts nila. Siguro ang sayang malaman ang totoo no? San ka kaya mapupunta pag namatay ka? Bakit kahit na alam na nating lahat na masama ang magtapon ng basura kun san2, hindi pa rin mapigilan itago yun balat ng candy sa bulsa? Bakit kaya ang galing mambola ng mga pulitiko? Totoo ba na bola sila sa past lives nila? Bakit kun gano sila kagaling mambola e doble at triple pa ang galing nila umisip ng proyekto na malaki ang kickback nila? Baka kickback sila nun past lives nila? Bakit nahuhulog ang dahon pag natuyo? Diba dapat dun lan sila kasi magaan naman sila? Maiintindihan ko pa siguro kun basang dahon yun nahuhulog. Bakit bilog ang mundo? Bakit kaya may sobrang mahihirap at mayayaman? Pare-pareho naman tayong pinanganak ng hubad diba? Bakit ba feeling ng mahihirap kawawa sila? E, hindi naman talaga pera ang kailangan mo sa mundong ito. Bakit ba kahit na anong pilit kong maging masaya. wala pa rin? Depression na kaya to? Bakit ba may katotohan at kasinungalingan? Para nakakalito? Para may thrill? Para magtanong ako ng magtanong? Bakit pagtapos mong masaktan, may dugo? Para mas masakit o para may kulay yun experience ng sakit? Bakit andaming taong nagpapakapagod mag-establish ng magandang buhay sa mundong to, kun alam naman nating bisita lan tayo sa earth? Alam kaya nilang sayang yun oras ng pagpapayaman nila ng materyal na bagay? Iiwan din naman nila yon pag namatay sila ah? Bakit kaya may mga vegan? Ayaw na ba nila ng Bistek at T-Bone? Bakit kaya naimbento ang Facebook? Para kewl? Para ma-addict yun mga nanay na dati rati’y naglalaba, namamlantsa, naghuhugas ng plato? O baka naman para matutong wak gumawa ng assignment yun mga tamad? At bakit sa sobrang galing ng tao lahat kinukwestyon nila? Sa sobrang talino nila nagiimbento na sila ng kun ano2. Pati mga halaman dinadamay nila. Pati alikabok pinagiisipan nila ng masama. Ganun na nga ba tayo kasama? Ahm…
———
———
———
———
———
———
———
Hintay pa.
———
———
———
———
———
I’m still waiting…
———
———
Pero wala pa rin ang dalawang sikat na sikat na celebrity. Feeling ko tuloy naghihintay ako sa proseso ng hustisya sa Pilipinas. Sana minsan makita ko ang Katotohanan. Sana bago ako mamatay, malaman ko ang lahat ng totoong tugon sa lahat ng katanungan ko, para naman hindi ako masabihang, “Kawawa naman siya, namatay siyang hindi alam ang katotohanan.”